Pagsabog sa parking lot ng NAIA , hindi terrorist act

INSIDE job ang tinitingnang anggulo  ng mga otoridad na  siyang naging dahilan ng pagsabog sa parking lot ng NAIA Terminal 3  nitong nakaraang weekend.

Base sa imbestigasyon ng pamunuan ng Paliparan  na hindi ito terrorist act . Mayoong nais lamang iparating na mensahe ang taong naghagis ng Molotov bomb.

May lead na rin mga imbestigador kung sino ang utak sa pagpapasabog  nito dahil sa may  mga grupo umanong tutol sa pagsasapribado ng airport.

Kaya naman hindi dapat maalarma ang publiko dahil sa isolated case lamang ang naganap na pagsabog sa NAIA.