Ngayong Pasko, humihinto tayobilang isang bayan upang magpasalamat, magnilay, at muling yakapin ang pag-asa. Sa bawat ilaw na kumikislap at ngiting ibinabahagi, alalahanin po natin ang tunay na diwa ng Pasko: ang pagmamahalan, malasakit sa kapwa, at ang paniniwalang mas nagiging makabuluhan ang lahat kapag tayo’y nagkakaisa.
Sa kabila ng mga pagsubok, pinili nating manaig ang katapatan, paggalang sa batas, at mahinahong pagkilos. Sa sama-samang pagtutulungan, unti-unti nating ibinabalik ang tiwala at inilalatag ang mas maliwanag na kinabukasan. Ito ang paninindigan ng Bagong Pilipinas—isang pamahalaang malinaw ang direksyon at may pananagutan sa mamamayan.
Nawa’y ang hiwaga ng Pasko ang magpatibay sa ating pagkakaisa at magbigay-sigla sa ating paglilingkod sa kapwa.
Mula po sa Kapulungan ng Kinatawan at sa aking pamilya, isang masaya, mapayapa, at Paskong puno ng pag-asa para sa bawat Pilipinong tahanan.
