DUMATING na sa Vietnam nitong Lunes na hapon para sa dalawang-araw na state visit si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na may layuning palakasin ang pakikipag-ugnayanng Pilipinas at Vietnam.
Sakay si Pangulong Marcos at ang Unang a si Louise “Liza” Araneta-Marcos kabilang ang Philippine delegation ay dumating ng mga 3:05 ng hapon (oras ng Vietnam) sa Noi Bai International Airport kung saan sila ay mainit na tinanggap ng mga opisyal ng Vietnam.
Bisitahin ni Pangulong Marcos ang Vingroup Company na pinakamalaking pribadong kumpanya sa Vietnam na may $21.1 bilyong market cap kung iko-compare sa April 2023 sa pamamagitan ng kanilang sangay na VinFast, na may valuation na $15 bilyon.
Ang VinFast ay nais magbenta ng kanilang mga electric vehicles (EVs) sa Pilipinas sa Abril 2024 .
Ang ilang mga lider mula sa pribadong sektor ng Pilipinas ay makakasama ni Pangulong Marcos sa pagpupulong upang paigtingin ang mga oportunidad sa pakikipag-partner.
Makikipagkita ang Pangulo at ang Philippine delegation sa Filipino Community upang personal na magpasalamat sa kanilang mga kontribusyon sa pagpapalakas ng koneksyon sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam, na naglilingkod bilang tahanan sa 7,003 overseas Filipino workers (OFWs).
Ang Pangulo at ang Philippine delegation ay magtatagal sa Vietnam mula Enero 29 hanggang 30, at inaasahang magbabalik sa Pilipinas sa 31 ng Enerong hapon .