June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pension ng gov’t, retired military personnel, tuloy — Suarez

SAPAT ang pensyon at walang dapat ikabahala ang mga retiradong government workers , military pensioners dahil tuloy at intact ang pondo para sa kanilang pensyon, ayon kay House Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez (2D Quezon).

Paliwanag ng mambabatas mula sa Quezon, may sapat na “allowance” o pa-sobra ang pondo para sa retired government workers kaya hindi ito kakapusin.

Ginawa ni Suarez ang pahayag sa gitna ng alegasyon ni Senator Imee Marcos na tinapyasan umano ng Kongreso ang pondo para sa mga retired government personnel.

Nilinaw ni Suarez na ang 2024 budget ay pinagtibay ng buong Senado at Kongreso. “Lahat ng probisyong nakapaloob sa budget ay dumadaan sa masusing pagsusuri. Wala naman pong maaring maganap na realignment o paggalaw ng budget na hindi pinapagtibay ng dalawang kapulungan,” diin niya.