May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

PNP handa na ngayong ‘Semana Santa’

Ni Alex dela Cruz

NAKAHEIGHTENED alert status na ang Philippine National Police upang matiyak ang seguridad ng mamamayan ngayong mahal na araw .

Bagaman walang namomonitor na anomang banta sa mga grupo na kalaban ng gobyerno.

Epektibo ang heightened alert noon pang araw ng Linggo ng umaga at tatatgal hanggang Abril 11.

Naka-deploy na ang halos 7,000 pulis na siyang ipapakalat sa mga matataong lugar upang magbigay ng seguridad sa mga magbabakasyon ngayong Semana Santa.