May 27, 2024

The Insider News

Direct from the source

PNP nirevoke ang lisensya ng baril ng dating pulis na nanutok sa siklista

Ni Alex dela Cruz

BINAWIAN na ng Philippine National Police ng baril ang dating police officer na nanutok ng baril sa isang siklista sa kalsada sa Quezon City.

Sa inilabas na pahayag ng PNP, “On August 27, 2023, the Philippine National Police, specifically the Firearms and Explosives Office has issued an order of revocation of LTOPF (license to own and possess firearm) and firearms licenses against an individual who drew his firearm, loaded and pointed it towards an unarmed cyclist near Welcome Rotonda on August 8, 2023,”.

Ayon kay Civil Security Group Acting Director Brig.Gen Benjamin Silo Jr. , agarang inaksyunan ang pagkakakilanlan ng nanutok ng baril na  si Wilfredo Gonzales na nagviral ang video nitong weekend.

Inalisan ng Philippine National Police Civil Security Group ng License to To Own and Process Firearms , Firearm Registration , at Permit to Carry Firearms Outside Residence ang dating police officer.

“The PNP, specifically the firearms and Explosives Office revoke LTOPF, Firearm Registration and PTCFOR of the said individual”, dagdag  pa ni Silo.

Nasa apat na iba’t- ibang kalibre ng armas ang binawi kay  Gozales.Tatlong .45 na baril at 9mm pistol ang dinala sa Quezon City Police District matapos ang insidente.

Paalala pa ni Silo,kinanakailangan maging “responosible gun owners at all times”.

“The possession and ownership of firearms are not absolute rights but rather a priveledge. dagdag pa niya.