May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

PNR handa na sa pagdagsa ng mananakay ngayong ‘Ber’ months

Ni Alex dela Cruz

LUBOS na ang paghahanda ng Philippine National Railways ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at pagsapit ng BER months.

Pinapaigting ng mga otoridad ang seguridad sa mga istasyon ng (PNR) bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero. 

Nagsagawa ng sanib-pwersang law enforcement visibility operation ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa mga istasyon ng PNR tulad ng Tutuban, FTI, at iba pa.

Inaasahan ang pagdagsa ng mga pasaherong papunta ng Tutuban at Divisoria para sa kani-kaniyang pamimili ngayong “Ber Months.”

Pinapaalalahanan din ang mga pasahero na maging mapagmasid, alerto, at makipagtulungan pagdating sa seguridad para sa mas ligtas at komportableng biyahe.