NANANATILING positibo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapababa nito ang presyo ng palay sa P20 bawat kilo.
Sa panayam sa kanya sa Zamboanga City ngayong araw ng Martes, na matatamasa pa rin aniya ng agriculture sector ang mababang cost ng mga agricultural production sa bansa .
“May chance lagi ‘yan. Kung maayos natin ang production natin at maging maayos, hindi na tayo masyadong bagyuhin at ‘yung mga tulong na ibinibigay natin sa mga farmer ay magamit na nila,”
Mas magiging Madali rin aniya sa gobyerno na mag adjust kapag normal na ang lahat.
“Ngunit, kapag talaga nagawa natin ang cost of production binaba natin ay bababa rin ang presyo ng bigas. Bababa rin lahat. Basta’t mas mataas ang ani, kahit na pwede nating ipagpantay ang presyo,” dagdag pa ng Pangulo.
Umaasa pa rin ang pangulo sa kanyang ipinangakong pababain ang presyo ng palay sa P20 kada kilo.
Nitong Lunes lamang ay inanunsiyo ng National Food Authority (NFA) Council, na pinamumunuan ni Pangulong Marcos na aprubado na ang buying price ng sariwang palay na naglalaro sa presyong P16 hanggang P19 kada kilo habang ang tuyong palay naman ay nasa P19 hanggang P23 kada kilo.
Kamakailan nagbigay ng direktiba ang Presidente ng price cap sa bigas upang maibsan ang pag-aalala sa patuloy na pagtaas nito at pinatupad noong Setyembre 5 ang Executive Order No.39 na magkaroon ng price ceiling sa mga regular milled rice na may presyong P41 kada kilo at 45 per kilo naman sa well-milled rice.