
NAGKAROON nanaman ng taas presyo ng gasolina at kerosene habang konting natapyasan naman ang sa diesel ngayong araw .
Batay sa anunsiyo ng mga kompanya ng langis mayroong dagdag na 30 sentimos sa presyo ng gasolina habang 10 sentimo naman sa kerosene habang may rollback naman na 40 centevos sa diesel.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo na taas presyo ng gasoline at kerosene dahil umano ito sa sunod na pagbabawas ng produksyon ng Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC.