
PANSAMANTALANG itinigil ng transport group na PISTON at Manibela ang kilos protesta kaninang ala-una ng madaling araw kaugnay ng PUV modernization program .
Ito ay matapos ianunsiyo ng presidente ng Manibela na si Mar Balbuena ang pansamantalang pagtatapos ng Caravan upang makapagpahinga ang mga jeepney drivers.
Nakilahok ang 5,000-6,000 katao sa transport caravan kabilang ang higit 300 jeepneys .
Asahan na rin daw ang mga isasagawang pagkilos sa mga susunod na araw hanggang hindi pinakikingganng pamahalaan ang kanilang hinaing.