ISINAILALIM na ang bayan ng Calauan, Laguna sa State of Public Health Emergency dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue sa bayan.
Sa kabuuan, mayroong 173 na kaso ng dengue sa buong Calauan, kung saan 33 dito ang active cases at 1 ang naitalang nasawi.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Rural Health Unit ng Calauan sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan upang masugpo ang dumadaming kaso ng dengue sa bayan.
Gayundin, patuloy ang paglilinis at pagsasagawa ng misting operations ng lokal na pamahalaan ng Calauan bilang pagtugon sa sakit.PIA
