HULI ang isang Filipino -American na pugante sa bansang America na nagtatago sa kanyang bahay sa Brgy. Morong Rizal dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.
Naaresto ng pinagsanib na operatiba ng Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU) , PRO4A Regional Intelligence Division-Regional Special Operations Unit 4A, Rizal Provincial Intelligence Unit, Morong Municipal Police Station, Batangas 1st Provincial Mobile Force Company, and 11th Airforce ang suspek na si Virgilio Carigma Cruz alias “Sawa” nitong Huwebes.
Naaresto si Cruz dahil sa Mission order na inilabas ng BI na may Bench warrant mula sa New Jersey Court noon pang Pebrero 2,2018.
Kasong multiple counts na distribution of drugs sa mga eskwelahan sa bansang america mula pa noong Nobyembre 2014 at Abril 2016 ang kinakaharap ni Cruz .
Wala umanong inisyu rin na travel documents ang Transportation Security Administration and Homeland Security Pre Check sa United States upang makabalik siya ng Pilipinas
Base sa record ni Cruz , na -convict din ito dahilsa kasong RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) on May 2, 2022 at nakalaya dahil sa plea bargaining agreement.
Ayon kay Calabarzon Regional director Jose Melencio Nartatez Jr. , PRO 4A will lend a helping hand to all agencies of the government in implementing lawful mission orders and arresting both local and international outlaws. Nasa kostudiya na ng BI-FSU ang nasabing suspek