May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

Quezon Day kasabay ang ‘Niyugniyugan festival’

Ni Len Dancel

PHOTO courtesy DOT4-A

GINANAP ang makulay na selebrasyon ng Niyogniyugan Festival sa Lucena City nitong Agosto 19.
Nagmula sa sa pinagsamang dalawang salita na “niyog “ at “yugyog”.

Kasabay rin ginugunita ang ika-145 na kaarawan noong Agosto 19 ni dating Pangulong Manuel L. Quezon.

Dinaluhan naman nina Quezon Governor Doktora Helen Tan at Vice Governor Anacleto “Third” Alcala ang pagdiriwang ng Quezon Day.

Hinikayat ng gobernadora ang bawat mamamayan na makipagtulungan at huwag sumuko anumang unos ang pagdaanan ng lalawigan.

“Bilang ina po ng ating lalawigan, ako po ay nagpapasalamat at nakikiusap na sana ay wala pong bibitaw, walang susuko sa anumang pagdaraanan natin. Alam ko marami pa tayong susuungin pero katulad ng sinabi ni Manuel Luis Quezon, tiwala siya sa taglay nating lakas.” ani ni Tan.