SINIMULAN ngayong araw ng Miyerkules ang ResBakuna para sa mga batang edad 5 hanggang 11 sa bayan ng Pakil sa Laguna.
Nabakunahan ang mga Batang Pakileñong ang edad ay 5-11 taong gulang bilang paghahanda sa nalalapit na face-to-face classes ng mag-aaral.
Nagpapasalamat si Mayor Vince Soriano sa pamunuan ng Rural Health Unit na pinangunahan ni Dr. Primo Acerimo sa tagumpay ng unang araw ng Resbakuna For Kids Program.
Layunin nito na mabigyan ng karampatang proteksiyon laban sa covid-19 ang mga mag-aaral kung sakaling simulant na ang Limited Face to Face sessions sa kanilang lugar.