February 25, 2024

Rollback sa petrolyo asahan na sa susunod na linggo

SA susunod na linggo ay magkakroon ng malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Department of Energy -Oil Industry Management Bureau na maaaring magkaroon ng bawas na P2.60 hanggang P3.00 kada litro sa presyo sa gasolina.

Sinabi rin na may tapyas din sa presyo ng diesel na nasa P1.40 hanggang P1.70 kada litro .

Mababawasan rin umano ang presyo ng kerosene ng P2.00 hanggang P2.20 kada litro nito.

Ang pakakaroon ng rollback ay batay sa takbo ng kalakalan mula sa Mean of Plants Singapore (MOPS) sa nakalipas na apat na araw .