IPAPATUPAD ang price rollback na halagang P1 ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw Nobyembre 1 .
Ayon sa inilabas na abiso ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, Petro Gazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell , tatapyasan ang presyo ng gasolina ng PHP0.25 kada litro at PHP0.60 kada litro naman sa diesel.
Mababawasan din ng PHP0.25 kada litro ang presyo ng kerosene ayon pa sa Caltex , Seaoil at Shell.
Habang ang ilang gasolinahan ay inaasahan na susunod din ang pagbaba ng kanilang presyo.