
PUMANAW na ang singer na si Danny Javier ng APO Hiking Society ngayong Lunes, October 31 sa edad na 75 taon gulang.
Sa ulat ng GMA news, kinumpirma ito ng kanyang anak na si Justine Javier Long sa facebook account nitong Lunes dahil sa komplikasyon dulot ng matagal ng sakit .
“In life, as in his death, our Pop never stopped fighting for what he loved, what he believed in and what he was passionate about. He left this world with his passion and his strength of will intact and we know he would not have it any other way,”
“Maraming salamat po. Ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ninyong lahat para sa kanya.”
“Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami’y kasama mo.”
Taong 2020 nang ibunyag nito sa publiko na siya ay may sakit sa puso, bago at bato.
Si Danny ay isa sa trio singer na Apo Hiking Society kasama sina Boboy Garovillo at Jim Paredes na nagpasikat sa maraming kanta noong 70’s.
At nagkaroon pa ng noontime show na Sang LInggo nAPO sa ABS CBN noong 90’s.