HAHARAPIN ni Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga alegasyon laban sa kanya alinsunod sa batas, ayon sa kanyang abogado na si Atty. Ade Fajardo.
Sinabi ni Fajardo na iginagalang ng kanilang panig ang mga korte at ang legal na proseso.
Ayon sa abogado, ebidensya sa korte ang dapat maging batayan sa pagtukoy kung may criminal liability si Romualdez.
“Criminal liability must be determined by the evidence presented in court, under the rules and safeguards of our justice system,” ani Fajardo.
“WALANG SPECIAL TREATMENT”
Iginiit ng abogado na walang hinihinging espesyal na pagtrato si Romualdez.
Ang hinihingi lamang umano ng mambabatas ay ang due process at patas na pagdinig na nakalaan sa bawat Pilipino.
“We respect the courts and the legal process. Representative Ferdinand Martin G. Romualdez will face the allegations against him in accordance with law,” pahayag ni Fajardo.
KATOTOHANAN ANG DAPAT MANAIG
Kinikilala rin ng kampo ni Romualdez ang malaking interes ng publiko sa kaso.
Gayunman, iginiit nilang sa korte dapat timbangin ang mga alegasyon batay sa ebidensya at umiiral na proseso ng hustisya.
“Katotohanan, ebidensya, at patas na proseso ang dapat manaig,” diin ni Fajardo.
