SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez on Thursday expressed deep sorrow over the tragic loss of two Philippine Air Force (PAF) pilots whose aircraft crashed in Bukidnon. He joined the Marcos administration and the Armed Forces of the Philippines (AFP) in mourning their passing and extended his heartfelt condolences to their grieving families.
“I stand in solidarity with our Armed Forces and the families of these two brave pilots who made the ultimate sacrifice for our nation,” said Romualdez, leader of the 306-member House of Representatives.
“Sila ay hindi lamang mga sundalo; sila ay mga anak, kapatid, at ama na iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay upang gampanan ang isang dakilang misyon. Sa kanilang huling paglipad, dala nila ang pangarap ng bawat Pilipino para sa isang ligtas, payapa, at maunlad na bansa,” he said.
Speaker Romualdez said the pilots’ sacrifice reminds the nation of the need for unity. He vowed that the House would continue to help strengthen the AFP.
“Ang sakripisyong ito ay isang paalala sa ating lahat kung gaano kahalaga ang patuloy nating pagkakaisa bilang isang bansa. Hindi lamang ito laban ng ating mga sundalo; ito ay laban ng bawat Pilipino laban sa takot, karahasan, at pang-aabuso,” Speaker Romualdez said.
“Sinisiguro namin sa Kongreso na hindi masasayang ang kanilang dugo at pawis. Patuloy nating palalakasin ang ating Sandatahang Lakas, titiyakin ang sapat na suporta para sa ating mga sundalo, at ipaglalaban ang isang bansa kung saan ang kapayapaan ang mananaig,” he said.
The House leader called the pilots heroes and assured their families that President Marcos Jr. and his government are ready to help them.
“Sa pamilya ng ating mga bayaning piloto: hindi kayo nag-iisa. Ang buong sambayanan ay nakikiisa sa inyong pagdadalamhati. Ang ating Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. at kanyang gobyerno ay nandito upang siguraduhin na ang inyong mga mahal sa buhay ay kikilalanin hindi lamang bilang sundalo, kundi bilang mga bayani ng ating bayan,” Speaker Romualdez said.
Speaker Romualdez thanked soldiers for their service to the nation.
“Sa lahat ng sundalong Pilipino – sa himpapawid, sa lupa, sa dagat – saludo kami sa inyo. Ang inyong tapang at dedikasyon ang dahilan kung bakit patuloy tayong namumuhay nang malaya. Maraming salamat sa inyong serbisyo at malasakit,” Speaker Romualdez said. (END)
