Bago man lang mag Grand Finals ang Bidaman sa It’s Showtime ng ABS-CBN, isa si Ron Macapagal sa mga inaasahang maging Grand Winner dahil sa ibang angkin nitong talino sa pagarte at sa maraming angking talento ang Saudi-born na actor.
Hindi niya nasungkit ang Grand Prize pero isa si Ron sa naging Top 6 sa sinabing paligsahan. Napabilib si Vice Ganda sa ibang klaseng pagarte ni Ron lalo na yong eksena nila ni Jackie na isa sa mga mainstays sa pantanghaling programa sa TV.
Hindi nakapagtataka dahil bago palang mag Bidaman si Ron hinubog na siya ng kanyang manager na si Direk Romm Burlat sa pagarte.
Unang pelikula ni Ron noong 2017 na Cuckoo nakadalawang Best Actor ang guapong actor at naging finalist pa ang pelikulang ito sa Portugal.
Sa kanyang mga kasabayan sa Bidaman, maituring na mas angat ang career ng La Salle student na to. Kahit sa pandemic, nakapagrecording si Ron ng dalawang kanta under PolyEast Records.
Ito ang “Sana Pagbigyan” at “Lilim” na naging hit. Pinangaralan din siya ng 3rd Laguna Excellence Awards as Best New Recording Artist at nominee siya as Best New TV Personality sa PMPC Star Awards for TV.
Kamakailan lang, nanalo si Ron Macapagal ng Best Actor sa pelikulang “Minsa’y Isang Alitaptap” na pinagsamahan nila ni Gina Pareno, Teresa Loyzaga at Diego Loyzaga.
Ito ang maituturing na biggest break ni Ron dahil nakasama niya ang mga bigating artista. Sa ngayon, nasa Saudi pa si Ron kasama ang kanyang pamilya para tapusin din ang kanyang pagaaral.
Pag may malaking project na darating para sa kanya, willing naman ang actor/singer na bumalik sa Pilipinas