![sarah g](https://www.theinsidernews.info/wp-content/uploads/2023/03/sarah-g.webp)
Photo from Sarah’s IG
NAGPASALAMAT si Pop Princess Sarah Geronimo sa kanyang kanyang ika-20th anniversary sa showbiz, unang-una kina Mommy Divine at Daddy Delfin Geronimo at ang kanilang pamilya.
Sa isang video clip na kanyang inilabas, pinasalamatan rin niya si Boss Vic at ang Viva, ang ABS-CBN, ang kanyang mga fur babies at siyempre, last but not the least, ang kanyang “My Labs” na si Matteo Guidicelli.
Sinorpresa si Sarah ng Viva big boss na si Mr. Vic del Rosario at ng ilang staff ng Viva para batiin sa kanyang 20th year in showbiz.
Wala man lang makikitang makeup, ayos ang buhok o bonggang OOTD (outfit of the day) — pero wala pa rin siya paki at hindi man lang na-conscious sa kanyang looks.
Napakasimple talaga ni Sarah, kahit parang dedma lang naman ang kanyang parents ay nagpapakumbaba pa rin siya at patuloy na gumagawa ng paraan para mapalambot ang puso ng mga magulang.
Umaasa pa rin na in time, for sure ay magkakaayos din si Sarah at ang kanyang parents.