IKINASA pinagsamang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency at Police Regional Office 4-B ang drug-bust operasyon noong Linggo laban sa isang public school principal sa Quezon, Palawan.
Sa ulat kay PDEA chair Director General Moro Virgilio M. Lazo, kinilala lamang ang mga akusado bilang alyas “Christoph.”
Ang suspek, isang empleyado ng gobyerno, at kabilang sa “high-value” target.
Naaresto ng mga miyembro ng PDEA Palawan Provincial Office, PRO4-B Regional Drug Enforcement Unit at Quezon Municipal Police Station ang suspek sa Bgy. Alfonso XIII, bayan ng Quezon.
Nakuha mula sa suspek ang tinatayang P4,800 halaga ng shabu.
Kasong for sale and possession of prohibited drugs under Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa laban sa naarestong principal ng paaralan.
