ARESTADO ang isang sekyu sa entrapment operation na isinagawa ng Lipa Police Station sa Barangay Bulacnin makaraang nangingikil sa kanyang dating nobyang OFW.
Nagbabantang ipapakalat ng suspek na si Romel Frane y Sancez ,32 anyos ang mga hubad na larawan ng kanyang dating nobya na hindi na pinangalanan.
Ayon sa lahad sa pulisya ng kapatid ng biktima na si Rolando Francisco magkasama noon sa abroad ang dalawang magkarelasyon nang magpasyang bumalik na lamang ng bansa ang suspek na ngayo’y namamasukan bilang security guard.
Nang dahil sa hirap ng buhay na nararanasan ng suspek ay nagpasiya itong hingan ng pera ang biktima at kapag hindi ito nagbigay ay ipapakalat nito ang mga hubad na larawan at video sa social media.
Agad ikinasa ng mga otoridad ang operasyon upang mahuli ang suspek .
Narekober sa suspek ang 1,000 piso marked money, isang cellphone na may sari-saring hubad na larawan ng biktima .
Sasampahan ng kasong criminal ang suspek laban sa kanya habang nasa kustodiya na ito ng Lipa Police Station.
Sinabi ni Batangas Police Provincial Director Col Pedro Soliba na “I commend the operatives for the successful arrest of the suspek .We will keep on conducting entrapment operations to put these criminals in jail”.
