HANDA nang ipakalat ang 10,000 kapulisan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa darating na Undas o All Saint’s at Soul’s Day .
“(We will deploy) an initial 10,000 na mga police personnel, kasama na diyan ang mga force multipliers, ang mga barangay tanods, mga civic volunteer organizations at iba pang mga volunteer organizations (We will deploy an initial 10,000 police personnel including the force multipliers, the barangay tanods, civic volunteer organizations and other volunteer organizations),” ayon sa tagapagsalita ng NCRPO na si lt.Col.Dexter Verzola .
Ito ay bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga tao sa mga sementeryo, columbaria at mga memorial park na nais bumista sa mga yumaong mahal sa buhay.
Maging sa mga terminal ng bus at pantalan ay inaaasahang babantayan rin ng mga otoridad.
Upang mapangalaagaan ang seguridad ng mamamayan at maiwasan ang krimen o karahasan na maaaring mangyari sa pagdiriwang na ito.