NAIS magsagawa ang House Committee on Human Rights ng kamara ng imbestigasyon kaugnay ng usaping giyera kontra droga noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ang dating hepe ng Philippine National Police na ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa ngunit hayagan na nitong sinabi na hindi siya dadalo sa pagdinig.
Bagaman hindi pa aniya siya nakakatanggap ng pormal na imbitasyon ay agad naman niyang ikinusulta sa Senate President na si Senator Francis “Chiz” Escudero ang usapin pagdalo.
Aniya, “Humingi ako ng payo sa Senate President kung ano ang gagawin. Sa akin wala akong problema, kahit kailan ay handa akong harapin sila. Pero kailangan ko pa ring sundin ang gabay ng Senate President bilang miyembro ng institusyon, ang Senado ng Pilipinas. Kailangan ko sundin ang kanyang gabay,” .
Sinabi rin aniya ni Senate President Escudero ” ‘Hindi, hindi mo kailangang dumalo’ dahil may mga usapan sa Senado na tuwing may pangalan ng senador na lilitaw sa kanilang pagdinig, sisirain natin ang inter-parliamentary courtesy. Ano ang magagawa ng senador? Dalawampu’t apat lang kami, lagi na lang kami na-a-attend sa kanilang pagdinig, walang magagawa ang Senado sa aming legislative function,” dagdag pa ng dating PNP Chief.
Nilinaw ni Dela Rosa na sinusunod lamang niya ang matagal nang tradisyon sa Senado na sundin ang kanilang pinakamataas na lider.
“Kailangan nating humingi ng gabay dahil ito ay isang nakatatak na gawi, tradisyon sa pagitan ng mga kapulungan ng lehislatura na sumunod sa inter-parliamentary courtesy,” sabi ng mambabatas .
Hinamon naman ni Dela Rosa na magsampa ng kaukulang kaso sa korte ang mga tumututol sa kanya at sa dating Pangulong Rodrigo Duterte na dapat managot sa kanilang ginawang kampanya laban sa ilegal na droga sa bansa.
Sinabi rin ni dela Rosa na haharapin nila ng dating pangulong Duterte saan mang korte sa Pilipinas ang sinumang magkakaso sa kanila na may kaukulang ebidensiyang magpapatunay laban sa kanila.
