WALANG pasok sa BARMM sa Sept. 14 ayon sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang special non-working day ang naturang petsa sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para bigyang-daan ang unang regular parliamentary elections ng rehiyon.
Nakasaad sa Proclamation No. 1395 na layunin ng deklarasyon na mabigyan ang mga residente ng BARMM ng sapat na pagkakataong makilahok sa halalan at magamit ang kanilang karapatang bumoto.
Gaganapin ang unang BARMM parliamentary elections sa Setyembre 14, 2026, matapos itong i-reschedule alinsunod sa Republic Act No. 12317, na nag-amyenda sa Bangsamoro Organic Law.
Nilagdaan ang proklamasyon noong Agosto 18 ni Acting Executive Secretary Ralph Recto, sa ilalim ng awtoridad ni Pangulong Marcos.
Inaasahang makatutulong ang special non-working day upang mas maraming residente ang makalahok sa makasaysayang unang regular parliamentary elections ng BARMM.
