INAMIN sa Bureau of Immigration (BI) ni Shiela Guo, ang kapatid ni suspindidong Mayor Alice Guo, na umalis sila ng ilegal mula sa Pilipinas papuntang Sabah sa pamamagitan ng bangka.
Sinabi ni Commissioner Norman Tansingco sa pagdinig ng Senate Committee on Justice and Human Rights nitong Agosto 27, ibinahagi niya ang teorya na ang magkakapatid na Guo ay umalis ng ilegal nang walang pormal na inspeksyon.
“Dahil umano sa kanilang sinadyang pag-iwas sa immigration inspection, umalis sila sakay ng maliit na bangka mula sa isang resort sa hilaga, at pagkatapos ay lumipat sa isang mas malaking bangka,” sabi ni Tansingco.
“Sabi niya, mula sa mas malaking bangka, lumipat sila sa isa pang maliit na bangka at diretso silang pumunta sa Sabah,” dagdag niya.
Kasalukuyang nahaharap si Shiela sa isang deportation case dahil sa pagiging undesirable at maling pagpapakilala bilang isang Filipino national, dahil natagpuan siyang mayroong valid na Chinese passport sa ilalim ng pangalang Zhang Mier.
Si Shiela ay maide-deport lamang matapos ang pagresolba ng lahat ng nakabinbing kasong kriminal laban sa kanya at matapos ang pagkumpleto ng lahat ng iba pang obligasyon sa bansa.
At kapag siya ay naibalik, maaaring humarap din sina Alice at Wesley Guo sa parehong mga kaso laban sa kanila.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang mga Indonesian sa pagsubaybay sa galaw ni Alice Guo, sabi pa ni Tansingco.
Top of Form
Bottom of Form