
NILAGDAAN ang kasunduan sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Sto. Tomas sa pangunguna ni Punong Lungsod Atty. Arth Jhun Aguilar Marasigan at Punong Bayan Aristeo A. Baldos, Jr. ng Pinamalayan, Mindoro nitong ika-7 ng Agosto 2023.
Ang kasunduang ito ay naglalayong magtulungan ang dalawang magkapatid ng lokal na pamahalaan sa larangan ng agrikultura, komersyo, trabaho, industriya, kalusugan, ugnayang pangkultura, atbp.
Ang makasaysayang araw na ito ay sinaksihan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod ng Sto. Tomas sa pamumuno ni Pangalawang Punong Lungsod Catherine Jaurigue-Perez at Pangalawang Punong Bayan Rodolfo Magsino kasama ang Sangguniang Bayan Members ng Pinamalayan. Present din si Cong. Ray Florence Reyes ng AnaKalusugan Partylist at mga taga pamahala ng bawat tanggapan.
Kalakip ng programa ang pagbabahagi ng pinakamahuhusay na kagawian at ang aktwal na pagbisita sa mga departamento sa Lungsod ng Sto. Tomas.