
PANALO na si SOL! Ito ang sinisigaw sa puso’t isipan ng mga Lagunense, dalawang araw bago ang botohan sa Lunes, Mayo 12.
Hindi natinag sa pinakahuling survey at patuloy na nagunguna sa talaan si Aragones bilang gobernadora ng lalawigan sa kabila ng sunod-sunod na pambabatikos na ipinupukol ng kanyang mga katunggali sa pulitka.
Sa huling linggo ng labanan, sunod-sunod na black propaganda ang ginagawa ng kangyang kalaban dahil sa papalapit na ng papalapit ang hatol ng kanyang mga kababayan sa Laguna.
Sa kanyang pahayag sa social media , sinabi ni Aragones na hindi siya basta pumapatol sa mga isyung ipinupukol sa kanya, dahil sa hindi ganun ang kanyang istilo sa pulitka.
Aniya, nakatuon ang kanyang puso at isipan sa paglilingkod sa kanyang mga kakabayan sa lalawigan dahil sa nais niyang magkaroon ng pagbabago at ituon ang kanyang adbokasiyang ” GOByernong may SOLusyon”.
Sa pinaka-huling online survey, nasa 41% ang kanyang nasungkit na boto sa tinanong na 3,000 indibidwal , habang ang kanyang kalaban ay may 29% lamang na boto.