MAGHAHANDOG ng Libreng Sakay ang MRT -3 at LRT -2 para sa mga single parent bukas , Sabado ,Abril 30 bilang pagpupugay sa pagdiriwang ng Solo Parents’ Day.
Ipapatupad ang Libreng Sakay sa peak hours ng operasyon ng linya, mula 7:00 am hanggang 9:00 am, at 5:00 pm hanggang 7:00 pm sa nasabing araw.
Kinakailangan lamang magpakita ng valid solo parent’s ID sa stations personnel upang makakuha ng Libreng Sakay.