May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

Speaker Romualdez binati ni GMA sa mataas na rating

BINATI ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mataas trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research.

“I would like to congratulate House Speaker and Lakas President Martin Romualdez on the recent OCTA Research Report reflecting a +6% increase in Trust Rating to 60%,” ani Arroyo.

Ang pagbati ay idinaan ni Arroyo sa isang press statement na ipinadala sa mga mamamahayag.

Nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsyentong trust rating at 61 porsyentong satisfaction rating sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4.