
INIIMBESTIGAHAN ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isang nasunog na bangkay ng tao na natagpuan noong Sabado sa Bgy. Pampang, Angeles City, Pampanga.
Sa ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosa Jr., ang bangkay ay natagpuan ng isa sa mga residente ng Riverside sa Purok 6B, Bgy. Pampanga.
Agad na ipinaalam ng saksi sa pulisya ang nakitang bangkay at nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng Angeles City police para magsagawa ng imbestigasyon.
Sinabi ni Villarosa na hindi na makikilala ang katawan kung lalaki o babae dahil nagtamo ito ng matinding paso.
Dagdag pa niya, nasa advanced stage na ng decomposition ang katawan.