TINAKASAN ng isang SUV ang mga operatiba ng LTO Traffic Enfocement Unit sa kahabaan ng EDSA sa bahagi ng Caloocan City.
Ayon sa ulat, sisitahin sana ng mga LTO personnel ang sasakyang Ford Everest na may plakang C4 N604 nang agad itong hindi hinintuan ang mga awtoridad bagkus ay kaagad pang nagbukas ng blinker at wangwang ang drayber.
Sa kanyang pagtakas ay naipit pa ang paa ng traffic enforcer habang hinabol ng mga LTO ang suspek sa tulong na rin ng MMDA personnel.
Base sa paunang imbestigasyon, ang driver ay nakilalang si Felix Malapitan Luakin Junior na napag-alamang pinsan ni Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Habang ang biktima ay nakilalang si Butch Sebastian ng Motorcycle Unit ng ahensya.
Kasalukuyang nakaduty pa rin si Bautista at kumpiskado ang lisensya ni Luakin Jr.
Si Luakin ay pinadalhan na ng Show Cause order maging ang rehistradong may-ari ng ng naturang sasakyan.