PINALAGAN ng Kabataan Partylist ang pag apruba ng taas singil ng pamasahe sa LRT-1 .
Nauna pa anila na maging P20 pesos ang minimum fare sa tren kaysa sa presyo ng bigas, na naging mas pabigat sa mga estudyanteng commuter lalo na sa mga nag-aaral sa university belt na walang ibang choice ayon ito kay Kabataan Partylist First Nominee and National Spokesperson Atty. Renee Louise Co,
Karamihan pa sa ilang unibersidad ang magtataas ng tuition fee tulad ng: University of the East na may 5%, Adamson University na 5%, at Letran na 8%. Di pa kasama rito ang iba pang pamantasan sa NCR,” tulad ng mga sumusunod:
Ateneo de Manila University — 6%
Centro Escolar University – Makati — 3%
De La Salle University – Manila — 4.4%
De La Salle Araneta University — 6%
National Teacher’s College — 3.07%
Philippine Women University — 4-5%
St. Paul University Quezon City — 10%
“Masaklap na hinahayaan ng gobyerno ni Marcos Jr. na tumataas nang tumataas ang bayarin sa pamasahe at sa tuition nang di rin tiyak ang pagtaas ng kalidad ng serbisyo. Ang tiyak lang kita ng negosyo. Dapat itigil na natin ang pribatisasyon at tiyakin ang suporta at pondo ng gobyerno para sa mga serbisyo na to,” dagdag pa ni Co.
