
PIRMADO na ang batas para sa sweldo sa mga daycare workers, ang Republic Act No. 12199 o Early Child Development System Act nitong Huwebes, Mayo 22.
Ayon kay Senadora Imee Marcos, ganap nang batas ang kanyang matagal ng ipinaglalaban matapos tuluyang mapirmahan ang bagong batas na sa pagtataas ng sahod ng mga Child Development Teachers (CDTs) at Child Development Workers (CDWs) ng hindi bababa sa Salary Grade (SG) 11 para sa CDTs; SG 10 para sa CDWs na may associate degree; at SG 8 naman para sa iba pang CDWs.
Bukod sa dagdag-sweldo, pinalalakas din ang ECCD Council, na ngayon ay nasa ilalim na ng Department of Interior and Local Government (DILG). Isa itong hakbang para mas masigurong suportado at may pondo ang mga daycare sa barangay.
Sinabi pa ng senadora, “Hindi dito nagtatapos ang laban. Tuloy-tuloy ang suporta natin para palakasin pa ang mga daycare center pati ang buong barangay.”
“Panalo ito para sa kabataan, sa pamilya, at maging sa kinabukasan ng bayan!”ani pa ni Marcos.