
IDENEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Proclamation No. 911 ngayong Biyernes ang Hunyo 6, 2025, bilang isang regular holiday sa buong bansa, bilang pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proklamasyon noong Mayo 21 base sa rekomendasyon ng Commission on Muslim Filipinos na ipagdiwang ang Eid’l Adha sa Hunyo 6 alinsunod sa 1446 Hijrah Islamic Lunar Calendar.
Ang Eid’l Adha ay ang pangalawa sa pinakamahalagang kaganapan sa kalendaryong Islam. Ang mga pamilyang Muslim ay nagtitipon upang parangalan ang debosyon ni Propeta Ibrahim (Alayhi Salam) kay Allah na may mga regalo at piging.
Ang okasyon ng Eid’l Adha ay minarkahan din ang pagtatapos ng Hajj pilgrimage sa Makkah, Kaharian ng Saudi Arabia, isa sa limang haligi ng Islam.
Idineklara ng Republic Act No. 9849 ang ika-10 araw ng Zhul Hijja, ang ika-12 buwan ng Islamic Calendar, bilang isang pambansang holiday para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha, na may petsang maaaring ilipat.