KINUMPIRMA ng Palasyo noong Lunes na tinanggal na sa kanyang posisyon si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.
Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatalsik kay Tansingco, ayon kay Presidential Communications Secretary Cesar Chavez.
Gayunpaman, hindi ibinunyag ni Chavez kung sino ang magiging kapalit ni Tansingco bilang BI chief.
Ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na inirekomenda niya sa Pangulo ang pag-alis kay Tansingco dahil sa pagtakas ng tinanggal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo noong Hulyo.
Noong huling bahagi ng Agosto, sinabi ni Marcos na “head will roll” kung matutuklasang may mga tao sa kanyang gobyerno na tumulong kay Guo na makatakas sa bansa.
Sa isang panayam sa media, sinabi ni Remulla na nagkasundo ang Pangulo at siya na dapat palitan si Tansingco.
“Palitan siya. Kung ako sa kanya, magbitiw na lang ako. Dapat siyang magbitiw,” dagdag pa niya.
Sinabi ni Remulla na inirekomenda niya ang pagpapalit kay Tansingco dahil hindi siya nasiyahan sa kanyangperformance.
Sabi niya, huminto siya sa pakikipag-ugnayan kay Tansingco matapos ang nangyaring pagtakas ni Guo.
Idinagdag ni Remulla na nawalan sila ng tiwala at kumpiyansa sa BI chief.
Binanggit din ni Remulla mga nabigyan ng mga working visa ang mga empleyado ng mga pekeng korporasyon upang makapasok ang mga illegal gambling sa bansa.
“Sinabi ko sa kanya (Tansingco) na siguraduhing makansela ang mga ito, ngunit wala siyang ginawa,” sabi ni Remulla.
