
NAGSALITA na si Davao City 1st Congressional District Representative Paolo Z. Duterte hinggil sa tinatawag na “people’s initiatives” para sa pagbabago sa konstitusyon maging sa tinaoyas na badyet mula sa kanyang nasaakupang distrito sa Davao .
Base sa kongresista isang mamababatas ang pangunahing nagtataguyod ng kilusang ito sa Davao City.
Aniya, “Tutol ako sa “people’s initiative” na ito dahil ito ay hindi ang tinig ng sambayanan kundi ang tinig ng iilang nais manatili sa kapangyarihan”.
Sabi pa niya, nais din niyang ipaalam sa lahat ng mga taga-Davao, lalo na sa kanyang distrito, ang House leadership ay nagtanggal ng P2 bilyon mula sa inyong NEP budget para sa distrito at iniwan lamang ang kakaunting P500 milyon para sa mga Dabawenyo ngayong taon.
“Sa lahat ng mga kongresista na nagtutulungan laban sa amin, huwag niyo akong bigyan ng ganitong klase ng kasinungalingan dahil hindi ako magugutom kung kukunin ninyo ang aking budget. Ang mga totoong biktima ay ang mga Dabawenyo na bumoto kay PBBM”ani pa ni Duterte.
“Narinig ko rin mula sa mga mapagkakatiwalaang source na eksplisitong inuutusan ang mga senador na huwag maglagay ng proyekto sa aking distrito’ dagdag pa nitp.
“Hindi ako tatalikod sa inyo para lang mabigyan ng proyekto, lalo na’t may 30% pang kinukuha ang isang pekeng panginoon… Muling paalala, ang mga totoong biktima ay ang aking mga mahal na kababayan na Dabawenyo.”
Ayon pa sa mamababatas , “itinago ko ang aking katahimikan sa mga nakaraang buwan dahil ayokong magdusa ang aking mga kababayan sa maruming pulitika sa House of Representatives.”
“Sa lahat ng mga Dabawenyo, huwag ipagbili ang inyong kaluluwa sa maliit na halaga na P100 o 10,000 kapalit ng inyong lagda. Kung nais ninyong sumunod sa mga Minions ng taong nananaginip na maging dakila sa Kongreso patungo sa pagkalugmok, iyan ay nasa inyong desisyon.”