June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Top 3 MWP na may 27 counts sa pandurukot,arestado sa Rizal

Ni Alex dela Cruz

Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga awtoridad ang isang 48-anyos na babae na tinaguriang top no.3 most wanted sa rehiyon ng Calabarzon .

Inihain ang warrant of arrest sa suspek na si Maria Cecilia Tuazon y Tan sa kanyang tinitirahan  sa Barangay Gitnang Bayan 1,San Mateo Rizal nitong Miyerkules ng hapon  .

Hinatulan ni Hon.Josephine Fernandezng Regional Trial Court , 4th Judicial Region, Branch 75 dahil sa kasong kidnapping at Serious  Illegal Detention na 27 counts na walang piyansa  ang suspek.

Kasalukuyang hinihimas na ng suspek ang malamig na rehas ng San Mateo Municipal Police Station .