SUSPINDIDO ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at mga klase sa lahat ng antas sa Luzon ngayong araw ng Oktubre 23, 2024 base sa inilabas ng Office of the Secreatry ng Malacanang .
Dahil sa masamang panahon dulot ng Tropical Storm “Kristine” na nakakaapekto sa buong bansa, partikular na sa Luzon .
Gayunpaman, ang mga ahensyang may mga tungkulin ay na nagbibigay ng basic and health services, preparedness/response to disasters at calamities o pagsasagawa ng iba pang mahahalagang serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang operasyon at magbibigay ng kinakailangang serbisyo.
Nasa desisyon naman ng suspensiyon ng trabaho ang mga nasa pribadong kompanya at opisina ang pasiya ng kanilang operasyon.