IPINASARA ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes ang isa pang travel agency dahil sa ilegal na pagre-recruit ng mga Filipino factory worker sa Bulgaria.
Iniutos ni Migrant Workers Secretary Hans Leo J. Cacdac ang pagsasara ng Yatra Travel & Tours, na matatagpuan sa 414 New Barrio Pampanga, San Fernando City, matapos makitaan ng hindi awtorisadong lisensya mula sa DMW.
Nag-aalok ng mga oportunidad sa trabaho sa Bulgaria bilang mga manggagawa sa pabrika sa industriya ng sasakyan at tela, na may tinatayang suweldo mula Php 90,000 hanggang Php 110,000 bawat buwan.
Ang ahensya ay naniningil ng labis na bayad sa pagproseso sa pagitan ng Php 400,000 at Php 500,000. Ang mga aplikante ay kinakailangang magbayad ng Php 50,000 bilang paunang bayad para sa isang slot o reserbasyon, kasama ang natitirang balanse pagkatapos makumpleto ang mga kinakailangang dokumento, bago i-deploy.
“Ang laki ng sinisingil nila sa ating mga kawawang kababayan. Hindi natin matatanggap ang ganitong klaseng panloloko. Malinaw ang tagubilin ng ating Pangulo at ng ating mahal na si Secretary Hans Cacdac na protektahan ang ating mga OFW laban sa illegal recruiters,” said Undersecretary Olalia.
Ito na ang ika-9 na establisyimento na isinara ng departamento para sa 2025 at nagta-target ng higit pa ngayong taon upang maprotektahan ang mga manggagawa mula sa mga illegal recruiter.
“May mga sinarado na tayong training centers, visa travel consultancy business entities, marami na tayong sinarado. Pang siyam na itong sinarado natin ngayong taon at hindi kami titigil sa mga susunod na araw. Patuloy po ang surveillance both actual physical and online at hindi po tayo titigil hangga’t hindi po natin nahahalughog lahat ng mga illegal recruiters,” ayon kay Undersecretary Bernard P. Olalia.
Ang pagsasara ay isinagawa ng Migrant Workers Protection Bureau (MWPB) ng DMW, sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng pulisya at lokal na pamahalaan sa Bataan.
