February 25, 2024

Tren na biyaheng Calamba- Lucena , balik operasyon na

MAGBABALIK na ang biyahe ng mga tren ng Philippine National Railways (PNR) mula Calamba, Laguna hanggang Lucena, Quezon.

Sa anunsiyo ng PNR  ngayong araw ng Sabado magsisimula ang biyahe ng tren mula alas-6:25 ng umaga mula San Pablo hanggang Calamba at alas-6:30 ng gabi naman mula Calamba hanggang San Pablo.

Mayroon na ring biyahe ng tren mula San Pablo hanggang Lucena ng alas-6:15 ng umaga at 5:50 ng hapon naman ang Lucena patungong San Pablo.