June 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Umento sa dagdag sahod, tatalakayin na

Ni Emmanuel Santiago

HINDI na rin mapigilan ang pagtatataas ng mga bilihin sa merkado bunsod ng walang humpay na dagdag presyo ng pretrolyo, dahil rito ay nais na nang ihain Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa susunod na lingo sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) ang petisyong dagdag sahod sa hanay ng mga manggagawa  .

Tiniyak ni Rep. Raymond Democrito Mendoza ng TUCP,kasama sa petisyon ang para sa dagdag na sahod para sa mga minimum wage earners ang 17 rehiyon sa bansa, kabilang ang National Capital Region (NCR).

Aniya, “Tama na ang kakapiranggot at barya-baryang binibigay.

What we need now are real solutions,”.dagdag pa niya.

Bagama’t hindi inihayag ng kongresista ang antas ng dagdag-sahod na kalakip ng mga petisyong isusumite sa RTWPB.

Sa datos ni Mendoza, taong 2019 nang sila’y naghain ng petisyon sa mga regional wage board para itaas sa P600 hanggang P900 ang minimum wage sa depende sa rehiyon, kahilingang hindi tinugunan ng nasabing tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 “Wages are now extremely inadequate. We remind the government that there have been no wage increases in the past two years, and in other regions, no wage hike has been granted at all in the past three years,” dagdag pa ng grupo.

Samantala, nakatakda na rin sumipa sa susunod na linggo ng House committee on labor ang pagdinig para sa legislated wage increase bunsod ng pahina ng purchasing power ng sahod ng mga manggagawang hindi na halos makagulapay sa kabi-kabilang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo publiko.

Kabilang sa didinggin umano ng komite ang panukalang batas ng mga militanteng grupo na nagtutulak ng P700 minimum wage sa Metro Manila mula sa umiiral na P537 arawang sahod.

“The cost of goods is not different in all places around the country. which was a primary reason for making wages higher in larger cities in Metro Manila.

That reason is barely evident now, since malls have been popping up in provinces, offering the same goods for the same prices, and with the rising gasoline prices, which is even more expensive outside Metro Manila,” pahabol pa ng kongresista.