PATAY ang dalawang lalaki habang malubhang nasugatan ang dalawang babae matapos salpukin ng isang Mitsubishi L300 van ang dalawang motorsiklo sa Sitio Guilonguran, Barangay Poblacion, bayan ng Ginatilan madaling araw ng Lunes, Nobyembre 02, 2026
Sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas 12:45 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Sinasabing patungong direksiyon ng Malabuyoc ang van na mabilis ang takbo habang patungong Samboan naman ang dalawang motorsiklo ng sila ay mag ka salubong sa pakurbadang kalsada ng National Highway na sakop ng Barangay Poblacion.
Nabatid na sinakop ng van ang kabilang linya na dinaraanan ng motor kayat nagkasalpukan ang mga ito.
Dahil sa lakas ng impact, tumilapon sa kalsada ang dalawang lalaki at dalawang babae na sakay ng mga motorsiklo.
Nasawi sa insidente ang 27-anyos na si Jade Bilagantol, driver ng isa sa mga motorsiklo, at ang kanyang 35-anyos na angkas na si Charley Pace, kapwa residente ng Samboan ang mga biktima.
Sugatan naman at isinugod sa ospital ang driver ng ikalawang motorsiklo na si Jennifer Tolentino, 37, isang sales clerk sa isang restaurant sa Ginatilan, at ang kanyang 35-anyos na angkas na si Dominga Aniñon, kapwa residente ng Oslob, southern Cebu, ang dalawa.
Ayon sa pulisya, kapwa malubha ang mga sugat ng mga ito at patuloy na ginagamot sa ospital.
Kinilala naman ang driver ng van na si “Jemark,” 30, isang lineman ng telecommunications company at residente ng Minglanilla, Cebu.
Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa detention cell ng Pinamungajan Police Station habang nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, physical injury at damage to property.
Ang Ginatilan ay isang fifth-class municipality na tinatayang 125 kilometro ang layo mula sa Cebu City. (
