June 15, 2024

The Insider News

Direct from the source

Wanted sa child rape,timbog ng pulisya

Ni Emmanuel Santiago

Hindi na nakapalag nang sungaban ng mga awtoridad ang wanted na suspek sa Pasay City dahil sa panggagahasa umano sa isang bata sa Laguna.

Sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director Col.Rogarth Campo kay Calarzon Regional Director PBGen Antonio Yarra,nakilala ang suspek na si Ronnie Bueta ng Brgy.Talangan,Nagcarlan ng lalawigang ito.

Nagsagawa ng manhunt operation ang pinagsanib pwersa ng Nagcarlan Municpal Police Station at Pasay City Police Station upang  ihain ang warrant of arrest nitong araw ng Huwebes .

Ang akusado ay inisyuhan ng warrant of arrest  ng Fourth Judicial Regiob ng Regional Trial Court Branch 7  sa San Pablo City noon pang Setyembre 23 ,2019 dahil sa kasong child rape at walang nirekomendang piyansa sa suspek

 Kabilang  sa Top 5 Most Wanted si Bueta at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Nagcarlan MPS .