
WAGI ang isang mananaya ng lotto mula sa Mandaluyong ng P331-million sa Grand Lotto 6/55 jackpot nitong Sabado ng gabi.
Inanunsyo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) noong Linggo na ang nanalong tiket ay may masuwerteng numero 30-29-42-28-02-43.
Umabot sa P331,359,271 ang kabuuang jackpot prize.
Samantala, 28 iba pa ang nanalo ng tig-P100,000 para sa paghula ng lima sa anim na panalong numero.
May kabuuang 1,224 na taya ang makakakuha ng tig-P1,500 para sa pagtama ng apat na tamang numero; at 29,192 bettors ay makakakuha ng P60 para sa tatlong tamang digit.
Sinabi ng PCSO na ang mga nanalo ay may isang taon mula sa petsa ng draw para makuha ang premyo, gaya ng nakasaad sa Republic Act 1169 o ang batas sa PCSO lottery.
Lahat ng jackpot prizes ay dapat kunin sa PCSO main office sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City.
Dapat isulat ng mga nanalo ang kanilang mga pangalan at lagda sa likod ng mga nanalong tiket at magpakita ng dalawang identification card o dokumento mula sa gobyerno.
Ang Grand Lotto 6/55 ay dino-draw tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado.