NAGING kalunos-lunos ang dapat na masayang family outing noong Sabado nang malunod ang isang 10-anyos na batang lalaki sa isang resort sa Calumpit, Bulacan.
Base sa ulat ng Bulacan police nakilala ang biktima na si Jose, ng Baseco, Compound Port Area, Manila.
Sa inisyal na pagsisiyasat, nakita ang bata kasama ang kanyang pamilya at ilang kamag-anak, na nag-swimming sa Jed’s Island Resort na matatagpuan sa Bgy. Gatbuca, Calumpit.
Bandang 6 p.m. noong Sabado, ipinaalam ng pamilya sa pamunuan ng resort na nawawala ang bata.
Sa kabila ng mga pagsisikap na ginawa sa buong gabi, ang biktima ay hindi natagpuan.
Gayunpaman, kinabukasan, natagpuan ang bangkay ng biktima na nakalutang sa lagoon.
Isinugod ang bata sa Calumpit District Hospital, kung saan idineklara itong dead on arrival.
