HINDI bababa sa 10 sundalo ang sugatan matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga armadong suspek ang kanilang convoy sa Tipo-Tipo, Basilan umaga ng Lunes, Oktubre, 5.
Ayon sa Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), naganap ang insidente dakong alas-7:45 ng umaga sa Sitio Bauno Dagao, Barangay Badja.
Batay sa paunang ulat, binubuo ng tatlong civilian vehicle at tatlong military truck ang convoy na dumaraan sa nasabing lugar nang bigla itong paulanan ng bala ng mga suspek.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng militar at pulisya matapos ang insidente, habang isinailalim sa kaukulang medical treatment ang mga sundalong nasugatan.
Nagsagawa na rin ng hot pursuit operation ang pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya upang matunton ang mga nasa likod ng pananambang.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek, gayundin ang motibo sa pananambang.
Sinasabing patungo sana ang convoy para sa isang communication outreach project ng LGU ng isagawa ang pag atake
