TIKLO ng pulisya ang isang 16-anyos na batang lalaki habang P1.32 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat sa buy-bust operation sa Pasig City.
Nahuli si alyas “Ken” sa isang entrapment operation sa Bgy. Pinagbuhatan, Pasig City bandang alas-3 ng umaga noong Biyernes.
Ayon kay Eastern Police District director Brig. Gen. Aden Lagradante, ang Binatilyo ay nasa ilalim ng surveillance matapos siyang ma-tag bilang isang bagong nakilalang “high-value” na suspek.
Nasamsam ang nasa 191.1 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P1.3 milyon at 15.8 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P23,700.
Nasa kustodiya na ngayon ng City Social Welfare and Development Office ang naarestong suspek.
