
KUMPIRMADO ang unang kaso ng mpox o monkeypox sa lungsod ng Quezon nitong Sabado, Agosto 31.
Ang pasyente, isang 37-taong-gulang na lalaki at residente ng lungsod, na kasalukuyang naka-admit sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
Nagsimulang magpakita ng mga sintomas ang lalaki noong Agosto 16 at na-admit sa ospital makalipas ang anim na araw.
Dinala ang kanyang specimen sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Lungsod ng Muntinlupa at lumabas na positibo noong Agosto 26.
Sa inisiyal na imbestigasyon, ang pasyente ay namasyal sa loob ng bansa lamang.
Sinabi ni Mayor Joy Belmonte na mahigpit nilang binabantayan ang kalagayan ng pasyente maging ang 15 kataong nakasalamuha nito na patuloy na binabantayan.
Samanatala naitala ng Department of Health (DOH) ng tatlong bagong kaso na umabot na sa kabuuang bilang walong aktibong kaso.
Ang kabuuang bilang ng mga kaso ng mpox ay umakyat na sa 17 mula noong Hulyo 2022.
Sinabi ng DOH na dalawa sa mga bagong kaso ay mula sa Metro Manila habang ang ikatlo ay mula sa Calabarzon, at lahat sila ay may mas mild na MPXV clade II.